I had my first visit to Resorts World Manila last Saturday. At kung hindi ito libre ng company (at ng aking boss) ay hindi ko isasama ito sa weekend destinations ko. Reasons? Well, its name sounds like $$$ to me. Nasa Resorts World ang isa sa mga kilalang hotels, Marriott Hotel. At marami na akong naririnig sa media na isa itong lugar na pinupuntahan ng mga mayayaman at celebrities. Kaya off-limit ang lugar na ito sa akin lalo na sa budget ko. J So, last Saturday, nilibre kami ng company ng Johnny English movie sa Ultra Cinema na nasa loob ng mall ng Resorts World. Nasa 6th floor ang cinema. Lalo pa kaming na-excite kasi unlimited daw ang popcorn at drinks! Wow! So nasa registration area pa lang, tinanong kami ng cinema employee kung anong gusto naming drinks. Then sa door may nag-assist sa amin papasok ng cinema hanggang sa designated seats. Maya-maya may umiikot na mga nagse-serve ng popcorn at drinks. Ang ganda ng seat kasi reclining ito (yung pwedeng itaas ang bahagi ng upuan na su-support sa mga paa na parang nakahiga ka). Hindi ko ni-recline ang upuan ko kasi sobrang comfortable na ako sa laki at lambot nya. J So nung binigay ang popcorn at drinks namin sinabi ng cinema employee na “You can press the button if you want a refill.” Wow! Ang galing talaga! Para kaming prinsesa sa loob ng sinehan. At kung gusto mong magpabili ng food sa ibang restaurant pwede rin kasi kasama yun sa butler services ng cinema. Ang price sa Ultra Cinema ay P500 each pero sulit naman ito. Hindi crowded kasi 80 customers lang ang capacity nito. So, next time gusto nyong mag-unwind at i-treat ang mga sarili nyo, try nyong manood sa Ultra Cinema ng Resorts World nang ma-experience ninyo ang world class na facilities at service. Kaya hindi nakapagtaka kung #1 ang Ultra cinema sa buong Metro Manila according to www.spot.ph.
![]() |
| image from http://www.spot.ph/ |

No comments:
Post a Comment