Tuesday, September 6, 2011

Porsche or Pucha?

Paano ba ang tamang pagbigkas ng car brand name na Porsche? According to http://german.about.com/library/weekly/aa020401b.htm:

PorscheWhat is the correct pronunciation of Porsche? While the “proper” way to pronounce some German terms in English may be debatable, this isn't one of them. Porsche is a family name, and the family members pronounce their surname PORSH-uh, not PORSH! Same for the car.

Ni-research ko ito dahil inaakusahan ngayon si Lanao del Sur Congressman Mohammed Hussein Pangandaman ng pananapak kay Ricardo Bonayog, isang gwardiya sa Quezon City. Ang sabi ng guard, nagkamali lang sya ng pag-pronounce ng "Porsche". Ayon naman kay congressman minura daw sya ng gwardiya ng "Pucha ocho!". Ang plate number kasi ng Porsche ni Pangandaman ay 8. Hmm, sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Sabi ni congressman pinalo lang daw nya si guard ng papel pero bakit dinala sa Quirino Medical Center ang gwardiya dahil sa minor injury? Naku, malaking challenge ito kay Congresmman Mikey Arroyo, ang representative ng mga security guards sa kamara. Sino kaya ang mananalo sa kasong ito? Ang ka-level ni Arroyo na si congressman? Or isang gwardiya na nire-represent nya sa kongreso? Tinatanong nyo kung bakit si Arroyo ang representative ng mga sekyu sa kongreso? Di ko rin nga alam e.

Update: Ayon sa bomboradyo.com update noong September 8, 2011, bumalik na sa trabaho si Bonayog pero inassign ito sa ibang post para sa kanyang seguridad. Nadismaya din ang Commission on Human Rights dahil umatras na umano ang security guard sa kaso at hindi na nya sasampahan ng kaso si congressman.

No comments:

Post a Comment