Glossophobia is the fear of public speaking. Marami ang takot sa pagtatalumpati o public speaking. In fact, kahelera ito sa takot ng mga tao sa kamatayan. Ang good news ay kaya natin itong i-overcome sa pamamagitan ng ilang tips:
1. Be confident and enthusiastic. Kung ikaw ay inimbita upang maging isang speaker, marahil ay kabisado mo na ang iyong topic. Kaya maging comfortable at confident sa iyong sarili at sa iyong mga sasabihin. Kung ikaw naman ay ni-require upang mag-speech sa isang topic na hindi mo pa alam, kailangan mo lang itong i-research ng mabuti at intindihin ito ng lubos.
2. Know your audience. Kilalanin ang iyong taga-pakinig dahil ang iyong sasabihin ay kailangan din i-adjust ayon sa class at pangangailangan ng iyong audience.
3. Practice. Maraming practice dapat. Mas maging comfortable ka kung alam mo by heart ang iyong sasabihin. Kung ito ay iyong na-memorize, kailangan mo ring maghanda ng notes na may key words in case lang na makalimutan mo ang mga importanteng points sa iyong speech.
source shine.yahoo.com

No comments:
Post a Comment