Thursday, September 1, 2011

Baddest taxi driver

Last night na ang pinaka-worst experience ko with a taxi driver. Pauwi na ako galing office - umuulan ng medyo malakas - at may lagnat ako. Siguro dahil kakalampas lang ng bagyong Mina nitong August 2011 kaya medyo sinumpong ako ng asthma (na naman). Laking pasalamat ko nang nakakita akong bakanteng taxi. Pinara ko - binaba ng mamang driver ang window sa passenger seat para marinig ang destination ko. Sabi ko "Manong, Estrella po." Tumango sya at hudyat na yun na ok sa kanya ang pupuntahan kong lugar. Nang nakaupo na ako sinabi ko ang exact place ko. Sagot ni manong, "Aba, napeke ata ako. Akala ko Rockwell ka lang." E yung pupuntahan ko opposite lang ng Rockwell sa kabilang side ng EDSA. Medyo nag-explain ako na kelangan kong mag-taxi dahil may lagnat ako at wala akong dalang payong (hoping na makonsensya naman sya sa pagsabi nyang "napeke" or dinaya ko sya). Nang malapit na kami sa lugar tinanong nya ako kung saan exact place ko. Nung sinabi ko na yung place ang sagot nya, "Hindi na ako pupunta doon." Nakakainis! Manhid na driver na to! May lagnat na nga ako at malakas pa rin ang ulan nung panahong yun pero hindi talaga nakonsensya!. "Sige ibaba nyo na lang po ako dyan sa unahan," ang sabi ko. Hindi pa nya nakuhang ayusin ang pagtabi nya sa kalsada at basang-basang-basa akong tumakbo sa pinaka-malapit na tindahan. Ikaw, driver ng TYX 377 Kabalikat '98 taxi. Sana hindi ka karmahin sa ginawa mo.

No comments:

Post a Comment