Saturday, September 17, 2011

McDonald’s – healthy food or junk food?

Photograph: Graeme Robertson

Ayon sa isang article ng www.guardian.co.uk, ang kailangan na daily calorie intake ng babae ay 1,940 at 2,550 naman sa mga lalake. Sa London, nitong September 2011, bilang pag-promote ng health awareness, nangalap ang kanilang gobyerno ng voluntary pledges kasama na dito ang food industry. Isa ang McDonald’s , pati na rin ang KFC, Burger King at Pizza Hut, sa mga sumali sa labeling pledge. Sa menu board, makikita ang lahat ng pagkain sa McDonald’s (along Cannon Street, central London) na merong corresponding calorie value. Aminado ang mga customers na matataas ang calorie content ng mga pagkain sa McDonald’s ngunit ito pa rin ang inoorder ng karamihan kahit na meron naman silang choice na pumili ng may mas mababang calorie tulad ng salads.

No comments:

Post a Comment