Mahigit 1,000 hubad na Israelis ang nagpalutang sa Dead Sea noong September 17, 2011, upang maipakita ang kanilang suporta na maisama ang Dead Sea sa Seven Wonders of Nature. Pinangunahan ito ni Spencer Tunick, isang US art photographer. Ayon sa mga experts, tutuyo ang Dead Sea sa taong 2050 kapag hindi ito nagawan ng paraan na maisalba. Ang Dead Sea, tinatawag ring Salt Sea, ay may sea density na 1.24 kg/L na nakakapaglutang ng tao. Ayon sa Bible, naging place of refuge ito ni King David kaya hanggang ngayon ay dinadayo pa rin ito ng milyun-milyong turista.
Source AFP/ph.news.yahoo.com/www.thejc.com/en.wikipedia.org


No comments:
Post a Comment