Sunday, September 25, 2011

Surviving job interviews

Naranasan nyo na bang matanong (during a job interview) ng kung anu-anong ka-weirdo-han na tanong? Personally, meron akong na-encounter na weird questions sa test na binigay ng isang kilalang bangko. Isa sa mga tanong ay kung nasaan ang butas ng botones sa blouse na pambabae, kaliwa o kanan? Tapos yung isang naalala ko na tanong ay kung anong pinakamababang numero sa AM dial ng radio. Exactly! Anong relevance ng mga tanong na ito sa position na ina-applyan ko? Ayon sa CareerBuilder.com, nag-umpisang magtanong ng weird questions ang mga malalaking kumpanya noong 2000 para malaman ang pagiging creative ng isang applicant sa problem solving, lalo na sa pag-develop ng mga softwares. Ilan sa mga tanong ay: What is your superhuman power? If you won the lottery, would you still work? Actually, ang mga interviewers ay hindi nag-aantay ng tamang sagot kundi tinitingnan nila kung paano mag-isip ang isang tao kapag nasa moment of stress na sya. Sa mga applicants, wag matakot na sagutin ang mga weird questions. Kung kailangan nyo ng mahaba-habang oras para mag-isip ng solution, ulitin lang ang tanong at unti-unti itong sagutin ayon sa makakaya nyo. Mas creative mas maganda. source finance.yahoo.com

image from http://www.focus.com/

No comments:

Post a Comment