Saturday, September 3, 2011

Kulo art exhibit - art ba o pang-iinsulto?


Ilang beses ko na inattempt na makita ang sinasabing Kulo art exhibit sa CCP complex sa Manila na pinasara ni President Noynoy Aquino dahil sa pag-offend nito sa relihiyong Katoliko at sa buong Pilipinas na nakakita/nakarinig nito. May mangilan-ngilan nagsasabing art lang talaga ang objective ng exhibit pero kadalasan negative ang feedback sa nasabing exhibit. Kaya minabuti kong hanapin ang picture para ako mismo ang magde-decide kung naging over lang talaga ang reaction ng taong bayan. But when I saw the picture, kahit ako'y hindi isang Katoliko, ay nararamdaman ko ang hiya kay Jesus. Naisip ko na wala bang bahid na respeto ang artist na gumawa nito kay Jesus? Narito ang picture upang makita ng readers kung ano ang ibig kong sabihin at kayo na po ang humusga. (image from allvoices.com) To my readers, sorry because I need to remove the picture here dahil masagwa talaga syang tingnan. Pwede nyo po makita ang picture sa allvoices.com. Thank you.

No comments:

Post a Comment