Sunday, September 25, 2011

Surviving job interviews

Naranasan nyo na bang matanong (during a job interview) ng kung anu-anong ka-weirdo-han na tanong? Personally, meron akong na-encounter na weird questions sa test na binigay ng isang kilalang bangko. Isa sa mga tanong ay kung nasaan ang butas ng botones sa blouse na pambabae, kaliwa o kanan? Tapos yung isang naalala ko na tanong ay kung anong pinakamababang numero sa AM dial ng radio. Exactly! Anong relevance ng mga tanong na ito sa position na ina-applyan ko? Ayon sa CareerBuilder.com, nag-umpisang magtanong ng weird questions ang mga malalaking kumpanya noong 2000 para malaman ang pagiging creative ng isang applicant sa problem solving, lalo na sa pag-develop ng mga softwares. Ilan sa mga tanong ay: What is your superhuman power? If you won the lottery, would you still work? Actually, ang mga interviewers ay hindi nag-aantay ng tamang sagot kundi tinitingnan nila kung paano mag-isip ang isang tao kapag nasa moment of stress na sya. Sa mga applicants, wag matakot na sagutin ang mga weird questions. Kung kailangan nyo ng mahaba-habang oras para mag-isip ng solution, ulitin lang ang tanong at unti-unti itong sagutin ayon sa makakaya nyo. Mas creative mas maganda. source finance.yahoo.com

image from http://www.focus.com/

Watching movie at Newport Cinema in Resorts World Manila

I had my first visit to Resorts World Manila last Saturday. At kung hindi ito libre ng company (at ng aking boss) ay hindi ko isasama ito sa weekend destinations ko. Reasons? Well, its name sounds like $$$ to me. Nasa Resorts World ang isa sa mga kilalang hotels, Marriott Hotel. At marami na akong naririnig sa media na isa itong lugar na pinupuntahan ng mga mayayaman at celebrities. Kaya off-limit ang lugar na ito sa akin lalo na sa budget ko. J So, last Saturday, nilibre kami ng company ng Johnny English movie sa Ultra Cinema na nasa loob ng mall ng Resorts World. Nasa 6th floor ang cinema. Lalo pa kaming na-excite kasi unlimited daw ang popcorn at drinks! Wow! So nasa registration area pa lang, tinanong kami ng cinema employee kung anong gusto naming drinks. Then sa door may nag-assist sa amin papasok ng cinema hanggang sa designated seats. Maya-maya may umiikot na mga nagse-serve ng popcorn at drinks. Ang ganda ng seat kasi reclining ito (yung pwedeng itaas ang bahagi ng upuan na su-support sa mga paa na parang nakahiga ka). Hindi ko ni-recline ang upuan ko kasi sobrang comfortable na ako sa laki at lambot nya. J So nung binigay ang popcorn at drinks namin sinabi ng cinema employee na “You can press the button if you want a refill.” Wow! Ang galing talaga! Para kaming prinsesa sa loob ng sinehan. At kung gusto mong magpabili ng food sa ibang restaurant pwede rin kasi kasama yun sa butler services ng cinema. Ang price sa Ultra Cinema ay P500 each pero sulit naman ito. Hindi crowded kasi 80 customers lang ang capacity nito. So, next time gusto nyong mag-unwind at i-treat ang mga sarili nyo, try nyong manood sa Ultra Cinema ng Resorts World nang ma-experience ninyo ang world class na facilities at service. Kaya hindi nakapagtaka kung #1 ang Ultra cinema sa buong Metro Manila according to www.spot.ph.
image from http://www.spot.ph/

Saturday, September 17, 2011

Say hello to the world

Nowadays, nakikitungo tayo sa iba't ibang uri ng tao - hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi sa iba-ibang lahi sa buong mundo. Maging ito man ay face to face na pag-uusap o internet chat. Nandito ang ilang language na pwede mong gamitin sa pag-uumpisa ng pagkikipag-kaibigan sa mga tao mula sa Italy, Pakistan, India at Germany.




Italy (Italian)
Say “ciao” (pronounced as “chow”) to say less formal “hi” to someone.

Pakistan/India (Punjabi)
Ginagamit ang Punjabi language ng mga Sikh, madalas sila ay naka-turban at may mahabang balbas.
To say “hello” in Punjabi, say “sat sri akal”.

Germany (German)
“Hello” in German is “Hallo” (pronounced as “Ha-loh”).

Floating and nude in Dead Sea


Mahigit 1,000 hubad na Israelis ang nagpalutang sa Dead Sea noong September 17, 2011, upang maipakita ang kanilang suporta na maisama ang Dead Sea sa Seven Wonders of Nature. Pinangunahan ito ni Spencer Tunick, isang US art photographer. Ayon sa mga experts, tutuyo ang Dead Sea sa taong 2050 kapag hindi ito nagawan ng paraan na maisalba. Ang Dead Sea, tinatawag ring Salt Sea, ay may sea density na 1.24 kg/L na nakakapaglutang ng tao. Ayon sa Bible, naging place of refuge ito ni King David kaya hanggang ngayon ay dinadayo pa rin ito ng milyun-milyong turista.

Source AFP/ph.news.yahoo.com/www.thejc.com/en.wikipedia.org

Simple steps to become rich


Marami na akong nabasang mga tips kung paano yumaman. Lahat naman halos ng mga tips na ito ay alam na natin dahil very basic ito tulad ng pag-save ng pera o pagtaya sa lotto (para sa mga mahilig sa sugal). Ito ay ilan sa mga simpleng tips at direct to the point na advice:
1.       Kumita ng pera. Maghanap ng trabaho. Kung may ready capital ka at magandang business plan, mag-negosyo ka.
2.       H’wag gastusin ang lahat ng kinita mo. Kelangan ko pa bang i-explain ito? J
3.       Mag-save. Mag-impok. Mag-tabi ng pera.
4.       Mag-invest. Mag-negosyo. Maghanap ng mapaglagyan ng pera na kung saan mas malaki ang tutubuin kesa nasa savings account mo lang.
5.       Ulitin mula sa Step 1.
6.       Notify me kapag nag-work out ang tips na ito. J

Source http://genxfinance.com/; image from hercafe.net 

Tips to avoid Sinus problem

Marami sa atin ay may problema sa sinus, allergies o asthma. Narito ang mga tips mula kay Dr. Jordan Josephson upang maiwasan ang mga sakit na ito:
Sinus problem
1.       Linisin ang ilong palagi. Huwag lang gawin ito sa public place. J
2.       Linisin ang kapaligiran mula sa alikabok at kung maari ay gumamit ng air filters.
3.       Iwasan ang mga pagkain na naging sanhi ng pagsumpong ng sakit. Humigot ng chicken soup.
4.       Kung ikaw ay may kabigatan, magbawas ng timbang.
5.       Kung kinakailangan ay magpatingin na sa doctor.

Source www.oprah.com

Baby boy drinks milk directly from cow

Picture by Samrang Pring

Isang batang lalake sa Cambodia ang umiinom (dumedede) ng gatas mula sa isang baka araw-araw. Nagsimula ang pagdede ni Tha Sophat sa baka nang iniwan sya ng kanyang mga magulang upang magtrabaho ang mga ito sa Thailand. Hindi ito sinang-ayunan ng mga kapitbahay nila pero umiiyak ang bata kapag pinipigilan ito kaya hinahayan na lang sya ng kanyang lolo na dumede sa isang baka dahil naging malusog naman daw ang pangangatawan ng bata.

source www.reuters.com

McDonald’s – healthy food or junk food?

Photograph: Graeme Robertson

Ayon sa isang article ng www.guardian.co.uk, ang kailangan na daily calorie intake ng babae ay 1,940 at 2,550 naman sa mga lalake. Sa London, nitong September 2011, bilang pag-promote ng health awareness, nangalap ang kanilang gobyerno ng voluntary pledges kasama na dito ang food industry. Isa ang McDonald’s , pati na rin ang KFC, Burger King at Pizza Hut, sa mga sumali sa labeling pledge. Sa menu board, makikita ang lahat ng pagkain sa McDonald’s (along Cannon Street, central London) na merong corresponding calorie value. Aminado ang mga customers na matataas ang calorie content ng mga pagkain sa McDonald’s ngunit ito pa rin ang inoorder ng karamihan kahit na meron naman silang choice na pumili ng may mas mababang calorie tulad ng salads.

Saturday, September 10, 2011

Tips sa public speaking

Glossophobia is the fear of public speaking. Marami ang takot sa pagtatalumpati o public speaking. In fact, kahelera ito sa takot ng mga tao sa kamatayan. Ang good news ay kaya natin itong i-overcome sa pamamagitan ng ilang tips:

1. Be confident and enthusiastic. Kung ikaw ay inimbita upang maging isang speaker, marahil ay kabisado mo na ang iyong topic. Kaya maging comfortable at confident sa iyong sarili at sa iyong mga sasabihin. Kung ikaw naman ay ni-require upang mag-speech sa isang topic na hindi mo pa alam, kailangan mo lang itong i-research ng mabuti at intindihin ito ng lubos.
2. Know your audience. Kilalanin ang iyong taga-pakinig dahil ang iyong sasabihin ay kailangan din i-adjust ayon sa class at pangangailangan ng iyong audience.
3. Practice. Maraming practice dapat. Mas maging comfortable ka kung alam mo by heart ang iyong sasabihin. Kung ito ay iyong na-memorize, kailangan mo ring maghanda ng notes na may key words in case lang na makalimutan mo ang mga importanteng points sa iyong speech.

source shine.yahoo.com

Lolong the biggest crocodile in the Philippines

Nitong nakaraang linggo lang ay may nahuling malaking buaya, at malamang pinakamalaking buaya sa buong mundo, sa Bunawan, Agusan del Sur. Ang haba nito ay 21 feet at sinasabing nasa 100 katao ang humila at dumakip nito mula sa isang creek. Ayon kay Mayor Elorde isang kalabaw na ang naging biktima ng nasabing buaya at pinagdududahang sya rin ang bumiktima sa isang nawawalang fisherman. Pinangalanan nila itong "Lolong". image credit Reuters, wheninmanila.com

iPod at iPad, ano ang kaibahan?

iPod


iPad
Para sa mga tulad kong medyo behind at walang alam sa mga bagong gadgets ngayon, well, ni-research ko ito para sabay-sabay nating alamin kung ano ang kaibahan ng iPod at iPad. Ang iPod ay isang portable na media player na produkto ng brand na Apple. Ni-release ito sa public noong 2001 at ito ay ginagamit upang maka-store ng maraming kanta at mapatugtog ito ng anumang oras. Kung noong panahon ang mga naka-earphones ay nakikinig o naka-hook sa FM radio stations, ngayon ay nakakabit na ito sa iPod.
Ang iPad naman ay isa ring produkto ng Apple Inc at pwde ito gamitin sa audio or video media, kasama na ang music at web content o internet. source wikipedia

Tuesday, September 6, 2011

Porsche or Pucha?

Paano ba ang tamang pagbigkas ng car brand name na Porsche? According to http://german.about.com/library/weekly/aa020401b.htm:

PorscheWhat is the correct pronunciation of Porsche? While the “proper” way to pronounce some German terms in English may be debatable, this isn't one of them. Porsche is a family name, and the family members pronounce their surname PORSH-uh, not PORSH! Same for the car.

Ni-research ko ito dahil inaakusahan ngayon si Lanao del Sur Congressman Mohammed Hussein Pangandaman ng pananapak kay Ricardo Bonayog, isang gwardiya sa Quezon City. Ang sabi ng guard, nagkamali lang sya ng pag-pronounce ng "Porsche". Ayon naman kay congressman minura daw sya ng gwardiya ng "Pucha ocho!". Ang plate number kasi ng Porsche ni Pangandaman ay 8. Hmm, sino kaya ang nagsasabi ng totoo? Sabi ni congressman pinalo lang daw nya si guard ng papel pero bakit dinala sa Quirino Medical Center ang gwardiya dahil sa minor injury? Naku, malaking challenge ito kay Congresmman Mikey Arroyo, ang representative ng mga security guards sa kamara. Sino kaya ang mananalo sa kasong ito? Ang ka-level ni Arroyo na si congressman? Or isang gwardiya na nire-represent nya sa kongreso? Tinatanong nyo kung bakit si Arroyo ang representative ng mga sekyu sa kongreso? Di ko rin nga alam e.

Update: Ayon sa bomboradyo.com update noong September 8, 2011, bumalik na sa trabaho si Bonayog pero inassign ito sa ibang post para sa kanyang seguridad. Nadismaya din ang Commission on Human Rights dahil umatras na umano ang security guard sa kaso at hindi na nya sasampahan ng kaso si congressman.

Saturday, September 3, 2011

Kulo art exhibit - art ba o pang-iinsulto?


Ilang beses ko na inattempt na makita ang sinasabing Kulo art exhibit sa CCP complex sa Manila na pinasara ni President Noynoy Aquino dahil sa pag-offend nito sa relihiyong Katoliko at sa buong Pilipinas na nakakita/nakarinig nito. May mangilan-ngilan nagsasabing art lang talaga ang objective ng exhibit pero kadalasan negative ang feedback sa nasabing exhibit. Kaya minabuti kong hanapin ang picture para ako mismo ang magde-decide kung naging over lang talaga ang reaction ng taong bayan. But when I saw the picture, kahit ako'y hindi isang Katoliko, ay nararamdaman ko ang hiya kay Jesus. Naisip ko na wala bang bahid na respeto ang artist na gumawa nito kay Jesus? Narito ang picture upang makita ng readers kung ano ang ibig kong sabihin at kayo na po ang humusga. (image from allvoices.com) To my readers, sorry because I need to remove the picture here dahil masagwa talaga syang tingnan. Pwede nyo po makita ang picture sa allvoices.com. Thank you.

Bilyonaryo sa Pilipinas dumadami

Mula sa 5 bilyonaryo na napasama sa listahan ng Forbes last year, ngayon ay naging 11 na bilyonaryo na ayon sa 2011 Forbes magazine. Here's the list and their businesses:

1.   Henry Sy - may ari ng SM Department Stores
2.   Lucio Tan -may ari ng Philippine Airlines (PAL)
3.  John Gokongwei Jr. - may ari ng Cebu Pacific at Robinsons Land
4.   Andrew Tan - may ari ng Resorts World Manila
5.   David Consunji - may ari ng DMCI Homes
6.   Jaime Zobel de Ayala - may ari ng Ayala Group of Companies
7.   Enrique Razon Jr. - may ari ng International Container Terminal Services Inc (ICTSI)
8.   Eduardo Cojuangco Jr. - may ari ng San Miguel Corporation
9.   Roberto Ongpin - may ari ng Atok-Big Wedge Company
10. George Ty - may ari ng Metrobank
11. Tony Tan Caktiong - may ari ng Jollibee Foods Corporation

Mahahabol kaya ni top 3 (Gokongwei) sina top 2 (Tan) at top 1 (Sy) in the future since ang business ni Gokongwei ay pinagsamang department stores at airline operation?

Friday, September 2, 2011

Too much of Boy Abunda



Starting September 12, 2011, magiging part na si Boy Abunda ng Bandila sa Entertainment and other social segments ng news program. Magaling na host si Boy pero parang medyo napasobra na ata ang tv shows nya: Mondays to Fridays ang SNN (Showbiz News Ngayon), every Sunday yung The Buzz, meron pang Kontrobersyal na talk show plus ngayon sa Bandila. Sana may i-build si Boy na bagong host na kasing-galing nya rin para mabigyan naman ang iba ng malaking break. (image from durianrepublik.com)

Driver nanalo ng P142 milyon sa Grand Lotto

Kapag sinuwerte nga naman! Kinubra na ng driver ang kanyang Grand Lotto prize na P142 milyon sa PCSO noong August 24, 2011. Limang taon na raw nya itong inalagaan: 9 - 1 - 6 - 40 - 16 - 35. Kung limang taon na nya itong inalagaan, meaning nasa (more or less) P18,000 lang ang pinuhunan nya sa lotto. Not bad at all!

Thursday, September 1, 2011

Baddest taxi driver

Last night na ang pinaka-worst experience ko with a taxi driver. Pauwi na ako galing office - umuulan ng medyo malakas - at may lagnat ako. Siguro dahil kakalampas lang ng bagyong Mina nitong August 2011 kaya medyo sinumpong ako ng asthma (na naman). Laking pasalamat ko nang nakakita akong bakanteng taxi. Pinara ko - binaba ng mamang driver ang window sa passenger seat para marinig ang destination ko. Sabi ko "Manong, Estrella po." Tumango sya at hudyat na yun na ok sa kanya ang pupuntahan kong lugar. Nang nakaupo na ako sinabi ko ang exact place ko. Sagot ni manong, "Aba, napeke ata ako. Akala ko Rockwell ka lang." E yung pupuntahan ko opposite lang ng Rockwell sa kabilang side ng EDSA. Medyo nag-explain ako na kelangan kong mag-taxi dahil may lagnat ako at wala akong dalang payong (hoping na makonsensya naman sya sa pagsabi nyang "napeke" or dinaya ko sya). Nang malapit na kami sa lugar tinanong nya ako kung saan exact place ko. Nung sinabi ko na yung place ang sagot nya, "Hindi na ako pupunta doon." Nakakainis! Manhid na driver na to! May lagnat na nga ako at malakas pa rin ang ulan nung panahong yun pero hindi talaga nakonsensya!. "Sige ibaba nyo na lang po ako dyan sa unahan," ang sabi ko. Hindi pa nya nakuhang ayusin ang pagtabi nya sa kalsada at basang-basang-basa akong tumakbo sa pinaka-malapit na tindahan. Ikaw, driver ng TYX 377 Kabalikat '98 taxi. Sana hindi ka karmahin sa ginawa mo.