Sunday, September 25, 2011

Surviving job interviews

Naranasan nyo na bang matanong (during a job interview) ng kung anu-anong ka-weirdo-han na tanong? Personally, meron akong na-encounter na weird questions sa test na binigay ng isang kilalang bangko. Isa sa mga tanong ay kung nasaan ang butas ng botones sa blouse na pambabae, kaliwa o kanan? Tapos yung isang naalala ko na tanong ay kung anong pinakamababang numero sa AM dial ng radio. Exactly! Anong relevance ng mga tanong na ito sa position na ina-applyan ko? Ayon sa CareerBuilder.com, nag-umpisang magtanong ng weird questions ang mga malalaking kumpanya noong 2000 para malaman ang pagiging creative ng isang applicant sa problem solving, lalo na sa pag-develop ng mga softwares. Ilan sa mga tanong ay: What is your superhuman power? If you won the lottery, would you still work? Actually, ang mga interviewers ay hindi nag-aantay ng tamang sagot kundi tinitingnan nila kung paano mag-isip ang isang tao kapag nasa moment of stress na sya. Sa mga applicants, wag matakot na sagutin ang mga weird questions. Kung kailangan nyo ng mahaba-habang oras para mag-isip ng solution, ulitin lang ang tanong at unti-unti itong sagutin ayon sa makakaya nyo. Mas creative mas maganda. source finance.yahoo.com

image from http://www.focus.com/

Watching movie at Newport Cinema in Resorts World Manila

I had my first visit to Resorts World Manila last Saturday. At kung hindi ito libre ng company (at ng aking boss) ay hindi ko isasama ito sa weekend destinations ko. Reasons? Well, its name sounds like $$$ to me. Nasa Resorts World ang isa sa mga kilalang hotels, Marriott Hotel. At marami na akong naririnig sa media na isa itong lugar na pinupuntahan ng mga mayayaman at celebrities. Kaya off-limit ang lugar na ito sa akin lalo na sa budget ko. J So, last Saturday, nilibre kami ng company ng Johnny English movie sa Ultra Cinema na nasa loob ng mall ng Resorts World. Nasa 6th floor ang cinema. Lalo pa kaming na-excite kasi unlimited daw ang popcorn at drinks! Wow! So nasa registration area pa lang, tinanong kami ng cinema employee kung anong gusto naming drinks. Then sa door may nag-assist sa amin papasok ng cinema hanggang sa designated seats. Maya-maya may umiikot na mga nagse-serve ng popcorn at drinks. Ang ganda ng seat kasi reclining ito (yung pwedeng itaas ang bahagi ng upuan na su-support sa mga paa na parang nakahiga ka). Hindi ko ni-recline ang upuan ko kasi sobrang comfortable na ako sa laki at lambot nya. J So nung binigay ang popcorn at drinks namin sinabi ng cinema employee na “You can press the button if you want a refill.” Wow! Ang galing talaga! Para kaming prinsesa sa loob ng sinehan. At kung gusto mong magpabili ng food sa ibang restaurant pwede rin kasi kasama yun sa butler services ng cinema. Ang price sa Ultra Cinema ay P500 each pero sulit naman ito. Hindi crowded kasi 80 customers lang ang capacity nito. So, next time gusto nyong mag-unwind at i-treat ang mga sarili nyo, try nyong manood sa Ultra Cinema ng Resorts World nang ma-experience ninyo ang world class na facilities at service. Kaya hindi nakapagtaka kung #1 ang Ultra cinema sa buong Metro Manila according to www.spot.ph.
image from http://www.spot.ph/

Saturday, September 17, 2011

Say hello to the world

Nowadays, nakikitungo tayo sa iba't ibang uri ng tao - hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi sa iba-ibang lahi sa buong mundo. Maging ito man ay face to face na pag-uusap o internet chat. Nandito ang ilang language na pwede mong gamitin sa pag-uumpisa ng pagkikipag-kaibigan sa mga tao mula sa Italy, Pakistan, India at Germany.




Italy (Italian)
Say “ciao” (pronounced as “chow”) to say less formal “hi” to someone.

Pakistan/India (Punjabi)
Ginagamit ang Punjabi language ng mga Sikh, madalas sila ay naka-turban at may mahabang balbas.
To say “hello” in Punjabi, say “sat sri akal”.

Germany (German)
“Hello” in German is “Hallo” (pronounced as “Ha-loh”).

Floating and nude in Dead Sea


Mahigit 1,000 hubad na Israelis ang nagpalutang sa Dead Sea noong September 17, 2011, upang maipakita ang kanilang suporta na maisama ang Dead Sea sa Seven Wonders of Nature. Pinangunahan ito ni Spencer Tunick, isang US art photographer. Ayon sa mga experts, tutuyo ang Dead Sea sa taong 2050 kapag hindi ito nagawan ng paraan na maisalba. Ang Dead Sea, tinatawag ring Salt Sea, ay may sea density na 1.24 kg/L na nakakapaglutang ng tao. Ayon sa Bible, naging place of refuge ito ni King David kaya hanggang ngayon ay dinadayo pa rin ito ng milyun-milyong turista.

Source AFP/ph.news.yahoo.com/www.thejc.com/en.wikipedia.org

Simple steps to become rich


Marami na akong nabasang mga tips kung paano yumaman. Lahat naman halos ng mga tips na ito ay alam na natin dahil very basic ito tulad ng pag-save ng pera o pagtaya sa lotto (para sa mga mahilig sa sugal). Ito ay ilan sa mga simpleng tips at direct to the point na advice:
1.       Kumita ng pera. Maghanap ng trabaho. Kung may ready capital ka at magandang business plan, mag-negosyo ka.
2.       H’wag gastusin ang lahat ng kinita mo. Kelangan ko pa bang i-explain ito? J
3.       Mag-save. Mag-impok. Mag-tabi ng pera.
4.       Mag-invest. Mag-negosyo. Maghanap ng mapaglagyan ng pera na kung saan mas malaki ang tutubuin kesa nasa savings account mo lang.
5.       Ulitin mula sa Step 1.
6.       Notify me kapag nag-work out ang tips na ito. J

Source http://genxfinance.com/; image from hercafe.net 

Tips to avoid Sinus problem

Marami sa atin ay may problema sa sinus, allergies o asthma. Narito ang mga tips mula kay Dr. Jordan Josephson upang maiwasan ang mga sakit na ito:
Sinus problem
1.       Linisin ang ilong palagi. Huwag lang gawin ito sa public place. J
2.       Linisin ang kapaligiran mula sa alikabok at kung maari ay gumamit ng air filters.
3.       Iwasan ang mga pagkain na naging sanhi ng pagsumpong ng sakit. Humigot ng chicken soup.
4.       Kung ikaw ay may kabigatan, magbawas ng timbang.
5.       Kung kinakailangan ay magpatingin na sa doctor.

Source www.oprah.com

Baby boy drinks milk directly from cow

Picture by Samrang Pring

Isang batang lalake sa Cambodia ang umiinom (dumedede) ng gatas mula sa isang baka araw-araw. Nagsimula ang pagdede ni Tha Sophat sa baka nang iniwan sya ng kanyang mga magulang upang magtrabaho ang mga ito sa Thailand. Hindi ito sinang-ayunan ng mga kapitbahay nila pero umiiyak ang bata kapag pinipigilan ito kaya hinahayan na lang sya ng kanyang lolo na dumede sa isang baka dahil naging malusog naman daw ang pangangatawan ng bata.

source www.reuters.com